Arestado ang siyam na katao sa isinagawang anti-drug operations sa Barangay Comembo, Makati City.

Sinabi ni Col. Roger Simon, hepe ng Makati City police, nakabili ang kanilang operatiba ng P300 halaga ng hinihinalang shabu sa suspek na kinilalang si alyas Patty, 64.

Matapos ang pagbili ay agad na ikinasa ang operasyon Martes ng gabi.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.