-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa India ang siyam na katao na may kinalaman sa pagbagsak ng tulay na ikinasawi ng 141 katao.

Apat sa mga dito ay pawang empleyado ng kumpanya na nangontrata para sa pagpapaayos ng tulay sa bayan ng Morbi.

Habang ang limang inakusahan aysiyang nangontrata sa para maisaasyos ang tulay.

Mahigit 140-taon ang tulay na ito ay inayos ng ilang buwan at noong nakaraang linggo lamang ay ito ay binuksan sa publiko.

Naging malabo na ring mailigtas ng mga otoridad sa mga taong nawawala matapos na bumagsak ang tulay.

Ayon kay senior police officer Ashok Kumar Yadav na maaring maharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek kapag napatunayan na sila ay nagkasala.

Una ng sinabi ng kumpanya na gumawa ng tulay na kaya bumagsak ito ay dahil sa labis ang bilang ng mga tao na nasa ibabaw ng tulay.

Ang 230 meters na tulay sa Machchhu river ay itinayo noon pang 1880 sa panahon ng namumuno ang Britanya sa India.