CAUAYAN CITY – Inaresto ang siyam katao sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga kasapi ng Cabagan Police Station.
Ang mga dinakip ay pawang nasa tamang edad at may mga asawa, anim sa kanila ang walang trabaho, dalawa ang tricycle driver at isang magsasaka.
Inaresto ang mga suspect matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsusugal.
Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang mga ginamit sa pagsusugal at bet money .
Dinala sa Cabagan Police Station ang mga suspect at mga nakumpiskang ebidensiya.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Gambling Law) laban sa mga suspect .
Inihayag pa ni P/Major Rodante Albano, hepe ng Cabagan Police Station na sa kabila ng pandemya ay magpapatuloy ang kanilang kampanya kontra illegal na sugal.