-- Advertisements --

isis

Arestado ng mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) ang siyam na ISIS-inspired Dawlah Islamiya Maute group sa kasagsagan ng engkwentro sa Barangay Paigoay, Pagayawan, Lanao del Sur.

Katuwang sa nasabing operasyon ng PNP SAF ay ang mga pwersa mula sa 5th Infantry Battalion, 103rd Brigade, NAVSOG ng Philippine Navy, 12ISU PA at RIU 15.

Iniulat ni PRO BAR regional police director B/Gen Eden Ugale kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na isisilbi lamang sana ng mga pulis kahapon ng umaga ang warrant of arrest laban sa akusadong si Faharudin Satar alias Abu Zacaria, 43, lider ng DI-MG, pero imbes na sumuko, pinaputukan ng mga terorista ang mga operatiba dahilan para umigting ang sagupaan.

Nakatakas sa nasabing operasyon ang dalawa pang terorista na sina Abu Dimam at Abu Khalifa.

isis2

Kinilala ni Eleazar ang mga inarestong local terrorists na sina: Camaroden Tindug, Sabdullah Sarip, Oetr Macaungun, Asnare Alisood Dima, Sowaib Abdullah, Saaduden Adapun, Zaenal Abdulatip at Aleem Salih Pitiilan.

Nakumpiska mula sa posisyon ng mga terorista ang isang carbine, dalawang M26 rifles, tatlong magazines, dalawang cal. .45 pistol, dalawang base radios, 13 cellphones, laptop at mga subersibong dokumento.

“We will file appropriate criminal charges against the suspects. Ang ating kapulisan ay hindi titigil hanggat hindi natin mahuli ang mga salarin at kelangan bagbayaran ang kanilang ginawang kasalanan alinsunod sa ating batas,” wika ni Eleazar.

Binigyang-diin ni Eleazar na ang kampanya ng PNP laban sa terorismo ay siyang pangunahing sinusulong nito na community cleanliness sa ilalim ng Intensified Cleanliness Policy.