-- Advertisements --

Nasa siyam na katao na raw ang nahuli ng PNP matapos muling ipatupad ang National Capital Region (NCR)-wide gun ban noong Biyernes bilang bahagi ng paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, kabilang sa mga nahuli ay nagmamay-ari ng anim na baril at deadly weapons.

Aniya, ilan daw sa mga nahuli ay sa pamamagitan ng police response habang nagpapatupad ang PNP ng kanilang tungkulin.

Ang iba naman daw ay sa pamamagitan ng search warrant.

Samantala, inactivate na raw ng PNP ang Task Force Manila Shield bilang bahagi ng security preparations sa SONA.

Ipu-fully deploy daw ang mga ito sa lahat ng checkpoints sa Batasang Pambansa na pagdadausan ng SONA.