Nasa 89 barangay chairman ang mahaharap sa suspension dahil sa umano’y maanomalyang pamamahagi ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang Office of the Ombudsman ang siyang maglalabas ng preventive suspension orders laban sa mga baranagay chairmen dahil sa umano’y malversation, corruption, estafa, at graft.
Sinabi ng kalihim nasa 363 investigations ang kanilang isinagawa kung saan 781 complainants ang nagsamap ng reklamo sa nasa 1,259 na mga suspeks.
Nasa 266 dito ang isinampa sa fiscal habang 29 ang ini refer sa local courts habang ang iba sa Office of the Ombudsman.
Nasa kabuuang 183 barangay chairpersons ang kinasuhan ng DILG dahil sa SAP anomaly.
Mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standards, and the Bayanihan to Heal as One Act ang isinampa sa mga barangay chairmen.
Habang ang iba ay sinampahan ng robbery extortions and grave threats
Samantala, iniulat naman ni Año na nasa 50,000 katao ang na hired ng kaniyang departmento bilang contract tracers bilang bahagi ng kanilang effort para palaksin pa ang response ng gobyerno sa paglaban sa nakakamatay na virus ang coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sinabi ng kalihim nasa 45,742 o nasa 91.48 percent sa ngayon ang nagsimula ng magtrabaho habang nasa 4000 pa ang naghihintay ng kanilang job appointment.
Giit ni Ano na malaking tulong ang pag hire ng gobyero ng mga contact tracers dahil karamihan ang nawalan ng trabaho dahil sa nararanasang pandemya.
Ang mga hired contact tracers ay mga contracted employees at makakatanggap ng sahod na PHP18,000 hanggang PHP19,000 kada buwan sa ilalim.