-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa 442 ang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Lunes matapos magtala ng 88 panibagong kaso.

Labing apat naman ang panibagong naka-recover sanhi para umakyat sa 266 ang naka-recover

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang Panlalawigan ng Quirino, umabot na sa kabuuang 719 ang confirmed cases at 11 ang namatay sa virus.

Sa 442 na aktibong kaso, pinakamarami ang naitala sa bayan ng Diffun na 196, sumunod ang Natipunan na 60, bayan ng Maddela na 56, Aglipay na 47, Cabarroguis na 44 at Saguday na 39.

Muling pinaalalahanan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.

-- Advertisement --