-- Advertisements --
Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) nang panibagong 8,702 mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa ngayon ang kabuuang tinamaan ng coronavirus sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 3,585,461 na.
Samantala mayroon namang naitalang 15,290 na gumaling at 71 na pumanaw.
Ang death toll sa ngayon ay nasa 54,168.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 153,335 pa ang mga aktibong kaso, habang nasa 3,377,958 na ang gumaling.
“Mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 5.7% sa lahat ng samples na naitest,” bahagi pa ng DOH advisory.