Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 867 na bagong impeksyon sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay nagtulak sa mga aktibong kaso sa bansa sa kabuung bilang na 7,565.
Ang naitalang bilang ay ang ikatlong magkakasunod na araw na bagong impeksyon sa Pilipinas na umabot na sa mahigit 800.
Ayon sa DOH, ang aktibong tally ng bansa ay tumalon din sa 7,565 mula sa 7,037.
Kaugnay niyan, umabot na sa 4,096,335 ang caseload ng bansa ayon sa pinakahuling tala ng nasabing departamento.
Ang recovery tally naman ng bansa ay nasa 4,022,326 at ang death tally ay nasa 66, 444 na bilang.
Nananatiling ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamaraming impeksyon na may 3,835 sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 1,825, Central Luzon na may 538, Western Visayas na may 484, at Davao Region na may 416.