Nakabalik na sa bansa ang 83 Filipino na na-stranded sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa ipinatupad na travel ban bunsod ng coronavirus pandemic.

Pinangasiwaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapabalik sa nasabing mga Filipino.

Karamihan sa mga dito ay mayroong temporary visit passes na na-stranded matapos na ipatupad ang Kuala Lumpur-Manila flight mula pa noong Marso 18.

Isinakay ang mga ito sa pamamagitan ng special flight ng Malaysia Airlines (MAS) na dumating sa bansa nitong Linggo ng hapon.