CENTRAL MINDANAO – Natusta ang katawan ng isang lola nang masunog ang bahay niya sa Kidapawan City.

Nakilala ang nasawi na si Rosita Diaz, 82-anyos at residente ng Relocation Site Barangay Magsaysay Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire and Protection-Kidapawan (BFP-Kidapawan), bigla umanong nagliyab ang tahanan ng biktima at mabilis na kumalat ang apoy.

Naiwang nag-iisa ang biktima at may iniindang sakit kaya hindi na ito nakalabas sa nasusunog niyang bahay.

Agad namang nakapagresponde ang mga pamatay sunog ngunit naabo na ang bahay ni Lola na gawa sa kahoy o light materials.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP at pulisya sa naturang pangyayari.