-- Advertisements --

Nakapag-detect ang bansa ng karagdagan pang mahigit 800 kaso ng covid-19 Omicron subvariants sa nakalipas na linggo.

Base sa latest sequencing results mula Setyembre 16 hanggang 19, mayroong 814 pasyente na dinapuan ng Omicron BA.5 at BA.4 subvariants at iba pang Omicron sublineages sa bansa.

Karamihan dito na nasa 688 mga pasyente ang nagpositibo sa BA.5 kung saan nasa 126 dito ay mula sa National Capital Region, 104 mula sa Western Visayas, 75 mula sa Cagayan Valley, 73 mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 56 mula sa Calabarzon, 54 mula sa Soccsksargen, 50 mula sa Ilocos Region, 37 mula sa Central Luzon, 25 mula sa Zamboanga Peninsula, 18 mula sa Central Visayas, 17 mula sa Mimaropa, 16 mula sa Caraga, 15 mula sa Bicol Region, 6 mula sa Bangsamoro Region, tig-dalawang kaso mula sa Northern Mindanao at Davao Region, at may isang kaso ng BA.5 sa Eastern Visayas.

Nasa 11 dito ang natukoy na returning overseas Filipinos.

Liban dito, mayroong 16 na bagong dinapuan naman ng BA.4 sa bansa habang nasa 110 new cases naman ng omicron sublineages.

Paliwanag ng DOH ang mabilis na transmission ng BA.4 ay dahil as abilidad nito na malusutan ang immune protection mula sa nagdaang infection o vaccination partikular na kung ito ay nag-wane o humina sa paglipas ng panahon.