-- Advertisements --

Umabot na sa 81 na mga police personnel kabilang ang mga non-uniformed personnel sa Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) ang nagpositibo sa sakit na coronavirus disease(COVID-19).

Sinabi pa sa direktor ng PRO-7 Brigadier General Albert Ignatius Ferro na karamihan sa mga ito ay nasa lalawigan ng Cebu.

Dagdag pa ni Ferro na kalahati sa bilang ng mga ito ay gumaling/nakarekober na at nakauwi na rin mula sa isolation facility.

Nabatid na dalawang pulis nitong lungsod ng Cebu na nagpositibo sa COVID19 ay pumanaw na noong Hunyo 14.

Sinabi din ni Ferro patuloy pa rin naman ang high spirit at high morale ng mga pulisya sa pagbabantay sa seguridad ng publiko nitong panahon ng pandemya.

Samantala, kinumpirma pa nito na karagdagang 106 pulis mula sa Regions 8 at 6 ang idedeploy sa Cebu upang madagdagan ang mga puwersa ng pulisya dito.