May 81 pasyente na ng COVID-19 ang sumasailalim sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO), ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa inilabas na data ng kagawaran, pinaka-maraming pasyente ang naka-enroll sa trial na naka-confine sa Makati Medical Center, 19.
“As of 11 May 2020, 21 out of the 24 sites were approved by their institutional Research Ethics Committee.”
“As of 11 May 2020, 12 out of the 24 sites are actively recruiting with a total of 81 patients enrolled (+41 from last week):
-University of the East Ramon Magsaysay -Medical Center: 5 patients
-Lung Center of the Philippines: 13 patients
-Makati Medical Center: 19 patients
-The Medical City: 10 patients
-Cardinal Santos Medical Center: 4 patients
-Philippine General Hospital: 14 patients
-Asian Hospital and Medical Center: 4 patients
-San Lazaro Hospital: 3 patients
-St. Luke’s Medical Center QC: 2 patients
-St. Luke’s Medical Center Global: 1 patient
-Manila Doctors Hospital: 1 patient
Sa ilalim ng WHO Solidarity Trial, apat na uri ng gamot ang gagamitin bilang experimental drug sa mga pasyente.
Una nang sinabi ng DOH na hindi sapilitan ang pagsasailalim sa mga pasyente sa naturang clinical trial.
Kailangan din daw dumaan sa tamang proseso ang trial, mula sa pagpapaliwanag ng mga doktor sa COVID-19 patient hinggil sa posibleng side effect ng gagamiting gamot.
Ayon sa DOH, random na ibibigay ang mga gamot sa mga pasyente at hindi sasalain depende sa kung may iba pang iniindang sakit ang pasyente.
Ang mga gamot gagamitin kasi ay off-labeled drugs o mga gamot na orihinal na ginawa para makagamot ng malaria, ebola, HIV, at multiple sclerosis.
Sa pinakabagong datos ng DOH, 526 ang total ng COVID-19 cases na naitala rito sa Makati City.
Mula sa 256 total new cases kahapon, tatlo ang mula rito sa lungsod.
Wala namang bagong namatay at nananatili sa 32 ang total deaths.
Pero may dalawang bagong gumaling na residente ng Makati, na nagpaakyat pa sa total recoveries ng lungsod na 165.