-- Advertisements --
image 45

Ibebenta sa mga Kadiwa store ang nakumpiska ng Bureau of Customs na 4,000 metrikong tonelada o 80,000 bags ng puting asukal mula Thailand.

Ibibigay naman ng BOC ang mga nasabat na asukal bilang donasyon sa kadiwa stores ng Department of Agriculture (DA) sa bisa na rin ng nilagdaang deed of donation at acceptance nina Customs Commissioner Bienvenido Rubio at Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Base kasi sa Sugar Regulatory Administration (SRA) Memorandum Circular No. 4, Series 2022-2023, na naguutos na ang nakumpiskang asukal na may commercial value at mayroong lehitimong gamit ay maaaring i-disposed ng BOC sa pamamagitan ng donasyon sa mga institusyon ng gobyerno.

Inaprubahan naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno July 21, 2023 ang panukala na ibigay bilang donasyon ang 4,000 MT ng refined sugar sa DA.

Una rito, base sa records ng Customs, dumating ang libu-libong bags ng asukal sa port of Batangas noong Enero 12 ng kasalukuyang taon lulan ng M/V Sunward nang walang hawak na Notice of Arrival.

Kung kayat nagisyu ang BOC-Port of Batangas ng warrant of seizure and detention laban sa naturang mga asukal at sa M/V Sunward.