Nasa 80% ng handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre ngayong taon sa gitna ng mga panawagan na ipagpaliban ito.
Ayon kay Comelec spokesman Rex Laudiangco, natapos na ang procurement ng mga election paraphernalia kung saan inaasahang maihahatid na sa loob ng dalawang linggo ang mga ito habang sinimulan na rin ang pag-imprinta ng mga balota noon nakalipas na linggo sa National Printing Office.
Inaasahang magiging available na ang mga balota sa loob ng 30 araw kasama na ang lahat ng accountable at non-accountable forms at inaasahng maipapadala sa loob ng 15 araw.
Sakali man na matuloy ang pagpapaliban sa naturang halalan sa December 5, 2022, sinabi ng Comelec na maaari pa ring gamitin ang mga naimprintang balota para sa susunod na taon at tiniyak na walang masasayang.