-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang show-cause order na ire-release nito laban sa 80 barangay sa Maynila na bigong makasunod sa road clearing operations.

Inamin ni DILG Usec. Jonathan Malaya na posibleng Martes nang susunod na linggo nila ihahain ang naturang kautusan sa mga kapitan ng barangay.

Ilan sa mga posibleng kaso na maaaring harapin ng mga mapapatunayang lumabag ang negligence for misconduct at dereliction of duty.

Kung maaalala, 80-percent ang satisfactory rating ni DILG Sec. Eduardo Año sa resulta ng clearing operations sa mga pampublikong kalsada sa bansa.

Batay sa ulat, 97 mula sa 1,600 local government units ang bigong makasunod sa kautusan.