-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos ang naganap na pamamaril sa Jerusalem.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Israel naganap ang insidente sa isang synagogue.

Agad namang naaresto ang suspeks sa nasabing pamamaril sa Neve Yaakov City.

Naganap ang insidente isang araw matapos ang madugong operasyon laban sa mga terorista ng Israel military sa West Bank kung saan siyam na Palestinian ang nasawi.