cropped Mogadishu Somalia 1
-- Advertisements --

Patay ang walong sibilyan habang sugatan ang 17 iba pa sa nangyaring suicide car bomb sa Mogadishu, Somalia.

Kabilang sa mga nasugatan ang 13 batang estudyante.

Naganap ang pagsabog sa Hodan district malapit sa dalawang paaralan at sa bahay ni dating Somalian President Abdikasim Salat Hassan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na target ng mga suspek ang armored vehicle na nagbabantay sa United Nations.

Itinuturong suspek na nasa likod ng insidente ang Al-Shabaab group.

-- Advertisement --