-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Walong katao ang nasawi sa pananambang ng mga armadong grupo nitong tanghali ng Sabado sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakarinig umano ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente sa Brgy Poblacion, Kabacan, Cotabato malapit sa USM-granary and machinery.
Agad na nagresponde ang mga sundalo at pulis kung saan naabutan pa nila ang mga biktima na wala ng buhay at tadtad ng bala.
Sinabi naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr na sa ngayon ay inaalam pa nila ang pagkakilanlan ng mga nasawi sa pananambang.
Nag-imbestiga na rin ang Kabacan PNP katuwang ang tropa ng militar sa madugong pamamaril sa mga biktima.