DAVAO CITY – Nadagdagan pa ng walo ang bilang ng mga barangay sa lungsod na idineklara ng militar na “insurgency-free”.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rey Pasco, 16th Infantry Battalion (IB) commanding officer, insurgency-free na rin ang Barangay Pañalum, Mabuhay, Lumiad, Mapula, Malabog, Paradise Embac at Paquibato proper sa Paquibato District at Barangay Dominga sa Calinan, Davao City.

May nakikita na rin daw silan na pag-unlad sa naturang mga Barangay, at may 25 mga government projects na ring ipinatupad sa mga ito.

Samantalang nagpapatuloy din ang intervention program ng pamahalaan para sa mga dating rebelde gayan ng livelihood training.