-- Advertisements --
israel wefdw

Nasagip ng Israeli forces ang 8 overseas Filipino workers mula sa bayan ng Kibbutz Be’eri na malapit sa Gaza strip kung saan naglunsad ng pag-atake ang militanteng grupo na Hamas simula noong Sabado.

Ayon kay Anthony Mandap, deputy chief of mission and consul general sa Philippine Embassy sa Israel, nasagip ng Israel Defense Forces ang 8 OFWs na karamihan ay caregivers kahapon, araw ng Linggo dakong 6am, oras sa Israel.

Isa sa mga nasagip ay kinilalang si Monica Biboso na dinala sa ospital ng mga rescuer kasama ang kaniyang Israeli employer matapos na sinunog ng Hamas ang bahay ng kaniyang employer.

Isa pang Pilipino na namamalagi din sa parehong lugar ang nananatiling unaccounted, base sa testomoniya ng mga biktima.

Ayon kay Mandap, ang naturang Pinoy na unaccounted ay posibleng nasugatan sa kasagsagan ng rescue operation at posibleng dinukot ng Hamas.

Dagdag pa nito na posibleng may iba pang mga Pilipino ang maaaring dinukot ng Hamas.

Kinumpirma din nito na may natanggap silang unverified information ng mga Pilipinong dinakip ng Hamas subalit kanila pa itong iniimbestigahan at wala pa sa ngayong impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan o eksaktong bilang ng mga Pilipinong sinasabing hinostage.

Tiniyak naman ng opisyal ng PH Embassy sa Israel na sa oras na ligtas na ang sitwasyon, kanilang bibisitahin ang OFWs at maghahatid ng kanilang mga kailangan.