-- Advertisements --

ROXAS CITY – Naospital ang walong menor de edad matapos na kumain ng pagkaing-dagat sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Capiz.

Ito ang kinumpirma ni Punong Barangay Boyet Bonilla, ng Barangay Natividad, sa nasabing bayan, ng makapanayam ng Bombo Radyo Roxas.

Anya, naunang dinala sa Jesus Colmenares District Hospital sa Balasan, Iloilo ang magpinsan at magkapatid na nagkakaedad ng 3, 7, 9 at 12-anyos dahil umano sa kanilang ulam sa tanghalian na green shell, nung Miyerkules.

Kahapon ng Huwebes, nagpalabas ng abiso ang lokal na gobyerno ng Pilar, na pansamantalang pinapatigil ang pag-harvest o pagkain ng pagkaing-dagat sa kanilang lugar, habang hinihintay pa ang resulta ng isinigawang laboratory test sa kanilang water sample, kung ito ba ang positibo sa pinangangambahang red tide.

Nakatakdang ipapalabas ang resulta ngayong araw ng Biyernes.