Walong miyembro ng Maute terror group ang sumuko umano sa pwersa ng Philippine Marines sa Marawi City.

Ayon kay 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Tiger commander Brig. Gen. Custodio Parcon, dalawang araw na ang nakakalipas ng sumuko sa kanila ang walong miyembro ng Maute.

Sinabi ni Parcon na dahilan sa pagsuko ng walong terorista ay wala nang kakayahan ang mga ito na makipaglaban sa pwersa ng pamahalaan.

Kinumpirma ni Parcon na mga tropa ng Philippine Marines ang nag-o-operate ngayon sa may bahagi ng Mapandi sa Marawi City laban sa teroristang Maute.

Hindi aabot sa 50 na mga terorista ang hinahabol ngayon ng mga Marines sa Mapandi.

Batay sa diskripsyon na ibinigay ni Gen. Parcon, “sporadic” ang labanan sa kaniyang area at hindi commensurate sa combat power na ibinibigay ng mga sundalo dahil tumatakbo ang mga kalaban na ibig sabihin ay running gun battle ang nangyayari sa kanilang area.

Pero sinabi ni Parcon na maingat din sila na pumasok sa mga lugar doon baka sila ay “mapintakasi” ng mga terorista.

Aniya, may tinatawag na engagement areas ang Maute at may lugar din sila kung saan nakaimbak ang kanilang mga combat power capabilities.

“We hit them hard tapos, takbo na naman sila, but we are very careful, you know pagkasi minsan pagpumasok ka sa may tinatawag din silang engagement areas then meron’ yung they have enough combat power baka i-pintakasi kami so we are avoiding that kind of situation,” pahayag pa ni Brig. Gen. Parcon.