Aabot sa mahigit P46.6 million na halaga ng walong bloke ng cocaine ang nadiskubre sa karagatan ng Dinagat Islands.

Ayon sa mga kapulisan ng Caraga, nakita ng mga mangingisda ang bloke na palutang-lutang sa bayan ng Loreto pasado 5 p.m.

Agad na ipinasakamay ng mga mangingisda sa mga kapulisan ang napulot na droga.

Matapos na isailalim sa pagsusuri ay positibo itong cocaine.

Hinikayat naman ni Caraga Police director Brig. Gen. Gilberto Cruz ang mga mamamayan na agad ipasakamay sa kanila ang mga makukuhang cocaine.

-- Advertisement --