-- Advertisements --

Nagwagi ang 8-anyos na si Aleia Aielle Aguilar sa Abu Dhabi World Professional Jiu-Jitsu Championship.

Tinalo nito si Sarah Abuhijleh ng United Arab Emirates (UAE) sa score na 3-0 sa Kids 2, Girls Gi, 22 kgs, A Class final grey belt division.

Ito na ang pang-apat na titulo ni Aguilar sa AJP World Championship na isang prestisyosong jiu-jitsu events na ginanap kada taon sa Abu Dhabi.

Kasama niya sa kumpetiyon ang amang si Alvin Aguilar ang founding father ng Filipino mixed martial arts.