-- Advertisements --

Nasa 79 kapulisan sa Colombia ang hinostage ng mga nagsagawa ng kilos protesta.

Sumiklab ang protesta at kaguluhan sa Caqueta province dahil sa pagkontra ng mga residente ng isinasagawang oil exploration sa kanilang lugar.

Humihiling din ang mga hostage takers na tulungan silang makapagtayo ng bagong kalsada sa lugar.

Umaasa naman si Colombian President Gustavo Petro na mapapakawalan na ang mga kapulisan at humupa na rin ang mga kaguluhan.