Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang 78-percent approval ratings na nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakahuling Pulse Asia survey.
Ayon kay Romualdez, patunay ito na nasa tamang direksiyon ang administrasyon ni Pang. Marcos Jr.
” The good showing means that President Bongbong Marcos is on the right track of governance,” pahayag ni Romualdez.
Binigyang-diin ni Speaker na ang unang tamang hakbang na ginawa ng Pangulo ay ang pagkumbinsi sa mga magagaling at may kakayahan na indibidwal na maglingkod sa mamamayang Pilipino na maging bahagi sa kaniyang gabinete at economic team.
Ayon kay Romualdez, pangunahin sa mga aksyon ng administrasyon na ikinatuwa ng mamamayan ang pagtugon sa pananalasa ng bagyong Karding at mga hakbang kaugnay sa COVID 19 pandemic.
Binanggit ni Romualdez mataas din ang markang ibinigay ng publiko sa mga ginagawa ng administrasyon pagdating sa pagsusulong ng kapayapaan at kapakanan ng mga Filipino sa abroad, paglaban sa kriminalidd, paglikha ng trabaho, pagtataas sa sahod ng mga manggagawa, pagbibigay proteksyon sa kalikasan at pagtatanggol sa ating teritoryo.
Nananawagan si Romualdez sa taumbayan na maging mapagpasensya at magtulungan bilang suporta sa pagsisikap ni Pangulong Marcos na maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
” Let us be patient. With the cooperation of everyone, we will get there. President Bonbong has said he would not let even a single Filipino added to the ranks of the poor,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.