Nasa ikaapat na araw na ngayon na mas mababa pa sa 1,000 ang mga bagong dinadapuan ng covid-19 na naitatala sa kada araw.
Batay sa bagong datos ng Department of Health (DOH), umaabot sa 776 cases ang nairecord.
Sa bagong infections, nasa 157 ang na-detect sa Metro Manila.
Kaugnay nito bumaba din ang mga active cases sa bansa na nasa 18,085, ito na ang pinaka-lowest mula July 14.
Samantala, ang DOH at nakapagtala rin ng 32 mga bagong bilang ng nasawi dahil pa rin sa anaturang respiratory disease.
Ang kabuuang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19 ay umaabot na sa 64,211.
Nauna nang iniulat ng DOH na may 3,900 COVID-19 cases ang nai- record sa iba’t ibang mga school sa bansa mula ng magkaroon ng resumption sa in-person learning.
Gayunman agad na nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang mga nahawa ng virus sa mga paraalan ay mga “mild” infections lamang at mas mabigat pa rin ang benepisyo na naibibigay ng full face-to-face classes sa mga estudyante.