-- Advertisements --

Naalarma ang OCTA Research group sa mahigit 77-percent COVID-19 positivity rate sa Puerto Princesa City, Palawan na mas mataas kumpara sa 12 percent ng Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang mataas na positivity rate na ito ay maaring dahil sa kakulangan sa testing na isinasagawa sa lungsod.

Lumalabas aniya na sa 10 na nagpapa-test ay walo ang nagpopositibo sa COVID-19 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa DOH, hanggang noong Mayo 16, mayroong kabuuang 1,625 cases sa naturang lungsod, kung saan 345 rito ang hindi pa tuluyang gumagaling.