LAOAG CITY – Umabot na sa 77 kaso ng dengue ang naitala sa Ilocos Norte ngayong taon.
Ito ang ipinaalam ni Dr. Rogelio Balbag, provincial health consultant ng probinsya.
Ayon kay Balbag, mula sa nasabing bilang ay nakapagtala ng mataas na bilang ang lungsod ng Laoag na umabot sa 15 kaso.
Aniya, sumunod dito ang lungsod ng Batac n amayroong 14 na kaso at 13 sa Pasuuin habang apat sa bayan ng Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ni Balbag na parehong nakapagtala nag tatlong kaso ng Dengue ang bayan ng Bacarra, Dumalneg at Sarrat habang dalawa sa bayan ng Bangui, Burgos at Currimao.
Pare-pareho namang nakapagtala ng tig-isang kaso ng dengue ang bayan mga bayan ng Badoc, Carasi, Pagudpud, Paoay, Piddig, Pinili, San at Solsona.
Samantala, ipinaalam ni Dr. Balbag na karamihan sa mga kaso ay gumaling na mula sa sakit.
Nagpaalala ang provincial health consultant na importante ang panatilihig malinis ang kapaligiran upang maiywasan na bahayan ng mga lamok.
Dagdaga nito na nakahanda ang mga lokal na gobierno gayundin ang provincial health office kung may pagsirit sa kaso ng dengue.
Sa kabilang banda, sinabi ni Dr. Balbag na nantiling walang kaso ng chikungunya at leptospirosis sa probinsya.