Reading Time: 1 minute
ben simmons points dribbles
Ben Simmons/ Photo courtesy of NBA

Kinumpirma ni Philadelphia 76ers star Ben Simmons na nais nitong mapasama sa Australian team na sasabak sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Simmons sa mga 76ers fans para sa kanilang suporta kahit na nabigo sila na makausad sa Eastern Conference semifinals, bago nito ibulgar ang kanyang pasabog.

“I am going to be a Boomer for the upcoming events, so stay tuned.”

Kalaunan ay sinabi ni Simmons sa kanyang Weibo account na kasama raw sa nasabing mga events ang World Cup.

“Ni Hao China!” saad ni Simmons. “Thanks for all the support this season, it was a tough way to go out. I’m happy to say I’m looking forward to representing my country Australia in the upcoming @FIBA World Cup in China! Stay tuned.”

Noong 2013 nang unang maglaro si Simmons para sa Boomers na nagkamit ng gintong medalya sa FIBA Oceania Championship.

Inaasahang mapapalakas pa lalo ni Simmons ang line-up ng Boomers, na haharapin ang Canada, Senegal, at Lithuania sa pool stage ng World Cup.