-- Advertisements --

Nakapagtala ang Intellectual Property Office of the Philippines ng 76% na pagtaas sa bilang ng mga Copyright registrations sa bansa.

Noong nakaraang taon, pumalo ito sa 6,522 mas mataas kumpara sa 3,706 na pagpaparehistro noong 2022.

Batay sa datos ng Intellectual Property Office of the Philippines, nagpakita lamang ito ng mga Copyright registrations para sa mga aklat, pamphlets, articles, e-books, audiobooks, comics, novels at iba pa na mayroong 52.6 percent.

Sinundan ito ng mga gawang audiovisual works at cinematographic works na may 18.1 porsyento; at computer programs, software, laro at aplikasyon na may 8.8 porsyento.

Ang mga komposisyong musikal, mayroon man o walang lyrics, ay umabot ng 6.1 porsyento; drawing, painting, architectural works, sculpture, engraving, prints, lithography, o iba pang mga gawa ng sining, modelo o disenyo para sa mga gawa ng sining, 4.9 porsyento at; mga disenyo o modelo ng ornamental para sa mga artikulo ng paggawa at mga bagay na pang-industriya at iba pang mga gawa ng inilapat na sining, 3.2 porsyento.

Ayon kay Rowel Barba, IPOPHL director-general na ang mga makasaysayang copyright registrations ay nagpapakita lamang ng mga resulta ng mga pagsisikap ng ahensya na pataasin ang kamalayan at tulungan ang mga tao na maunawaan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kanilang Intellectual property.