butuan COVID tents
-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dahil sa patuloy na tumataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Butuan, naglabas ng Executive Order No. 41 si Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada gayundin ang Regional Task Force Against Covid-19 One Caraga Shield, upang isailalim ang 76 mga barangay sa lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw Setyembre 7 hanggang Setyembre 22.

Matatandaang kahapon ay ipinanatili ng National IATF sa General Community Quarantine with heightened restrictions ang lungsod ng Butuan simula bukas, Setyembre 8 hanggang Setyembre 30.

Ito ay bilang tugon sa punuan ng mga ospital at mga quarantine facilities dahil sa dami ng mga COVID patients.

Dahil dito’y hinihimok ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang publiko na palaging sundin ang mga minimum health protocols upang makaiwas sa nakamamatay na coronavirus.