-- Advertisements --

Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) program ng Pilipinas.

Sa isang statement, sinabi ni Finance Sec. Calors Dominguez III na makakatulong ang inutang na pera mula sa AIIB para sa funding requirements na kinakailangan upang tugunan ang malalang epekto ng COVID-19 hindi lamang sa mamamayan ng bansa kundi maging sa ekonomiya rin.

“On behalf of the Philippine government, we thank the AIIB and President Jin Liqun for committing with the ADB to support the CARES program, which will go a long way in helping our people get back on their feet, and our economy recover and emerge stronger after the crisis,” ani Dominguez.

Umaasa ang DOH na nitong buwan ay makakamit ang full disbursement ng $750 million na utang mula AIIB.

Ang utang na ito ay may maturity periord na 12 taon at may grace period pa na tatlong taon.

Noong Mayo, mababatid na lumagda rin si Dominguez ng kasunduan sa ADB para naman sa $1.5 billion budgetary support para gamitin din ng pamahalaan sa CARES program.