-- Advertisements --

Inaprubahan na rin ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), isang China-based multilateral lender, ang aabot sa $750-bilyong utang ng Pilipinas bilang tugon sa epekto ng COVID-19.

Sa isang statement, sinabi ng AIIB na ang nasabing pondo na kanilang ipahihiram ay bunga ng pagsasanib pwersa nila ng Asian Development Bank.

Inaasahang tutugunan ng nasabing bilyones ang testing capacity ng Pilipinas, gayundin ang pagpapaunlad sa mga naghirap na sektor.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng conditional cash transfers at emergency assistance sa mahihirap na pamilya.

“The focus of our efforts is to help the government tackle the immediate health and economic challenges posed by the pandemic… building economic resilience and ensuring quick recovery,” ani AIIB vice president for investment operation D.J. Pandian.

-- Advertisement --

Tugon din daw ang nasabing pondo sa epekto ng pandemic sa health sector at ekonomiya ng bansa.

Nitong araw nang kumpirmahin din ng World Bank na inaprubahan nito ang $500-milyong utang ng Pilipinas para rin sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.