Aabot na sa humigit kumulang 75 percent ng mga local government units sa buong bansa ang nakapagtayo ng kanilang sariling isolation facilities para sa COVID-19.
Inanunsyo ito ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III nitong araw kasunod nang utos na inilabas ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na magtayo ng sariling isolation facilities para sa gma COVID-19 patients sa lalong madaling panahon.
Ito ay paghahanda na rin para sa inaasahang surge sa bilang ng mga COVID-19 patients dahil sa mas testing, at dahil na rin sa punuan na rin sa ngayon ang mga ospital.
Bilang suporta sa mga hakbang na ginagawa ng mga LGUs, ipinapanukala ng Office of the President ang P30.824-billion fund o “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities” para mapalakas ang COVID-19 response capability ng mga lokal na pamahalaan.
Nauna nang tumanggap ng extra Internal Revenue Allotment (IRA) ang mga LGUs na kaparehas ng halaga na kanilang regular na natatanggap mula sa Department of Budget and Management.
















