Nasa kabuuang 75 criminal charges ang inihain ng Bureau of Customas (BOC) sa Department of Justice (DOJ) mula Enero hanggang October 13 ngayong taon laban sa mga smuggler ng iba’t ibang goods sa bansa.
Ito ang naging tugon ni Customs spokesperson and Operations Chief Arnaldo Dela Torre Jr. nang matanong kung may mga big-time smugglers ang naaresto kasunod ng ilang serye ng pagkakakumpiska ng mga law enforcer ng umano’y mga smuggled agricultural products.
Nito lamang Lunes, sinabi ng BOC na nakakumpiska sila ng 1,906 metric tons ng sugar products na nagkakahalaga ng P228 million mula sa 76 na shipping containers na dumating dito sa bansa mula sa Thailand noong Setyembre 24.
Habang nasa 57 sako naman ng imported yellow at white onions ang nasabat din ng awtoridad sa Divisoria dahil sa paglabag sa Food and Safety Act.
Ayon sa BOC official na nakikipag-uganyan na ang Department of Agriculture (DA) sa pag-imbestiga sa naturang mga isyu ng smuggling sa bansa.