Isiningit ni Vice President Mike Pence sa kaniyang talumpati ang mensahe nito ng suporta para sa mga kapulisan ng Estados Unidos na humaharap sa kaliwa’t kanang batikos mula sa publiko.
Sa ikatlong araw ng Republican National Convention 2020 na ginanap sa makasaysayang Fort McHenry sa Baltimore, binigyang-diin ni Pence na naging sentro ng kaguluhan at malawakang kilos-protesta makaraang pagbabarilin ng mga otoridad ang 29-anyos Black man na si Jacob Blake.
Tunay umano na isa ito sa malalaking hamon na pinagdadaanan ngayon ng Amerika dahil sa kabila raw ng pandemya at unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng bansa ay kaliwa’t kanan naman ang nagaganap na kaguluhan.
“My fellow Americans, we are passing through a time of testing. But in the midst of this global pandemic, just as our nation had begun to recover, we’ve seen violence and chaos in the streets of our major cities,” saad ni Pence.
“President Trump and I will always support the right of Americans to peaceful protest, but rioting and looting is not peaceful protest, tearing down statues is not free speech. Those who do so will be prosecuted to the fullest extent of the law,” pagpapatuloy nito.
“Let me be clear: the violence must stop – whether in Minneapolis, Portland, or Kenosha,” Pence said. “Too many heroes have died defending our freedom to see Americans strike each other down. We will have law and order on the streets of this country for every American of every race, and creed and color.”
Sinigurado ng bise-presidente na katuwang ang kaniyang running mate na si President Donald Trump ay susuportahan nila ang karapatan ng bawat Amerikano.
Sa kabilang banda, pinuri naman ni Pence ang mga frontline workers na nagsisilbing makabagong bayani dahil sa dulot ng coronavirus pandemic.
Inilahad din nito na bago matapos ang taong 2020 ay posible na raw simulan ng US ang pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.