Hindi bababa sa 74 katao ang namatay – kabilang ang 12 bata – matapos ang isang sunog sa gusali sa Johannesburg. Habang mahigit 50 iba pa ang nasugatan.
Sinabi ng mga opisyal na hindi malinaw kung ano ang nagdulot ng sunog sa limang palapag na gusali sa sentro ng lungsod.
Ang naturang gusali ay abandonado na ngunit inookupahan ng mga walang tirahan.
Ayon sa South African President na si Cyril Ramaphosa, isa itong “trahedya” at ang naturang insidente ay isang “wake-up call”.
Pahayag naman ng manager ng lungsod ng Johannesburg na si Floyd Brink, 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog at lahat ng effort ay ginawa na aniya nila upang mabigyan ang mga ito ng tirahan.
Kasabay nito ang pagtiyak ng alkalde ng Johannesburg na si Kabelo Gwamanda, ang mga lumikas na nakaligtas ay bibigyan ng pansamantalang tirahan sa loob ng tatlong araw.