-- Advertisements --
image 431

Nasa 7 mula sa 10 Pilipino o 72% ang naghayag na kontento sila sa performance ng kasalukuyang administrasyon sa unang quarter ng 2023 base sa resulta ng survey ng OCTA Research.

Lumalabas sa non-commission na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA na isinagawa noong Marso tanging nasa 8% ng respondents ang hindi kontento sa performance ng pamahalaan habang 20% naman ang nagpahayag ng uncertainty.

Sa kabila ng mataas na satisfaction rating ng Marcos admin, ito ay bumaba naman ng 4 percentage points mula sa nakalipas na survey na isinagawa noong Oktubre 2022 kung saan nasa 76% ng respondents ang nagsabing sila ay very satisfied o kaya naman ay somewhat satisfied sa pamamalakad ng Marcos admin sa bansa.

Naitala ang mataas na satisfaction rating sa Visayas na nasa 83%, sumunod ang Balance Luzon na nasa 77%, Mindanao na nasa 67% at panghuli sa Metro Manila na nasa 51%.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents na mayroong ±3% margin of error at 95% confidence level.