-- Advertisements --
NCRPO COURTESY RESIGNATION AND DRUG TESTING

Ibinida ng National Capital Region Police Office na negatibo mula sa ilegal na droga ang 72 high ranking officials nito na binubuo ng pulis na may ranggong full-pledged colonel at generals.

Kasunod ito ng kanilang isinagawang surprise drug test noong nakaraang linggo, kasabay ng kanilang sabay sabay na pagsusumite na rin ng courtesy resignation sa pangunguna ni NCRPO chief P/MGen. Jonnel Estomo sa Camp Bagong Diwa, Taguig City .

Sa isang statement ay sinabi naman ni Estomo na ang magandang balita na ito ay isang positibong indikasyon aniya para sa layunin ni Secretary Abalos at PNP chief Azurin na linisin ang buong organisasyon ng Pambansang Pulisya.

“From the beginning, I am with the PNP leadership in cleansing our ranks of drug protectors and scalawags,” ani Estomo.

“As I formerly said that should there be anyone found to be positive of illegal drugs, he is automatically deemed resigned from the service immediately.” dagdag pa niya.

Una rito ay sinabi na rin niya na agad nilang sisibakin sa serbisyo ang mga police official na magpopositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at kung sakali naman aniya na siya mismo raw ang magpositibo ang resulta sa kanilang isinagawang random drug test ay agad daw siyang bababa sa kaniyang posisyon bilang hepe ng NCRPO.