Matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang nasa 71 mga pasahero ng roll on/roll off ferry na sumadsad sa Capul Island sa Northern Samar.
Sa ulat, sinasabig naglalayag ang MV Reina Hosanna patungo sana sa Matnog, Sorsogon mula sa Allen, Northern Samar nang makaranas ito ng engine failure dahilan naman ng pagtirik nito sa gitna ng karagatan.
Agad na rumesponde ang mga kinauukulan dito nang makatanggap ng report ukol dito kung saan idineploy agad ng Batangas-headquarters operator Marina Ferries ang MV Reina Immaculada para hatakin pabalik sa pampang ang MV Reina Hosanna ngunit ayon sa PCG ay naputol ang mooring line na ginamit sa naturang operasyon na naging dahilan naman ng pagsadsad ng nasabing barko.
Samantala sa ngayon ay patuloy pa ring isinasailalim sa mahigpit na monitoring ng PCG ang naturang barko na hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring kargang 30 rolling cargoes.
Habang nasa mabuting kalagayan naman na ngayon ang mga nasagip na pasaherong sakay nito