CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang senior citizen sa nangyaring pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Silvestre Sumaya, 71, may asawa, karpintero at residente ng Purok Durian, Barangay New Bulatukan, Makilala, North Cotabato.

-- Advertisement --

Ayon sa ulat ng Makilala PNP, habang nakaupo lamang ang biktima sa purok na ‘di kalayuan sa kanyang tahanan nang bigla itong nilapitan ng apat na hindi kilalang suspek at sinabihan na “traydor ka sa kilusan” sabay pinagbabaril-gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Sinasabing mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang itinuturong suspek ng mga otoridad sa pamamaril sa biktima.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP sa naturang pangyayari.