-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na tuluyan nang nagsara ang nasa mahigit 70 pribadong paaralan sa Western Visayas.

Sa gitna ito ng muling pagbubukas naman ng mga paaralan sa bansa para sa muling pagsisimula ng balik-eskwela.

Batay sa datos na inilabas ng regional office ng kagawaran, 59 na mga private schools ang pansamantalang nagsara habang nasa 17 naman ang permanente nang magsasara.

Mababang bilang ng enrollees at problemang pinansyal ang ilan sa mga dahilang itinuturo kung bakit kinailangan magsara ng mga paaralang ito.

Kung matatandaan, una na ring iniulat ni DepEd Spokesperson, Atty. Michael Wesley Poa na umabot na sa 425 ang bilang ng mga private schools na napilitang magsara nang magsimulang tumama ang pandemya sa bansa mula noong taong 2020 hanggang 2022.

Nasa 20,838 na mga estudyante aniya ang naapektuhan nito ngunit nasa sampung libo naman aniya dito ang nagtransfer sa mga pampublikong paaralan.