Arestado ang pitong indibidwal na nahaharap sa iba’t-ibang kaso matapos magkasa ng operasyon ang Bulacan Police Provincial Office.

Batay sa ulat na isinumite ni Acting Bulacan Provincial Director police Col. Lawrence B Cajipe sa Camp Crame, dalawa sa mga suspek na naaresto ng 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company in Brgy. Sto NiƱo, Baliwag, Bulacan.

-- Advertisement --

Kinilala ang mga ito na sina Danilo Santos at Edgardo Dela Cruz na nahuli sa aktong kumukubra ng mga taya sa ilegal na sugal.

Samantala ang iba pang mga naarestong suspek ay kinilalang sina: Jaime Brillantes dahil sa frustrated homicide Barangay Pajo Meycauayan City Bulacan; Ma. Sherlyn Salac dahil sa pag-kidnap ng isang sanggol sa Rogaciano M Mercado Memorial Hospital, Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Habang naaresto naman ng mga tauhan ng Balagtas at Malolos City/Municipal Police Stations sina: Alvin Pascual dahil sa physical injury sa Balagtas Town Center, Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan; Roiwin Marc Santiago dahil sa qualified theft sa Ultra Mega Multi Sales Supermarket, Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan; at Nel Fajardo dahil sa acts of lasciviousness sa Brgy. Longos, City of Malolos, Bulacan.

Magugunitang sinibak sa pwesto ni Gamboa noong nakaraang linggo ang dating Acting Provincial Director ng Bulacan na si PCol. Emma Libunao dahil umano sa under performance sa kampanya kontra ilegal na sugal at droga.