Dahil pa rin sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Immigration (BI) laban sa human trafficking na posibleng samantalahin ngayong Undas, pitong Pinoy na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking ang naharang sa Ninoy Aquino International Airports Terminal 3.
Ayon sa BI, ang mga biktima ay nakatakdang i-deploy sa United Arab Emirates (UAE) at Poland.
Dalawa sa mga biktima naharang sa flight papuntang Hong Kong saka didiresto sa UAE.
Ang mga biktima ay pinaniniwalaang na-hire bilang household service workers na mayroong mga fake overseas employment certificates at labor assistance center clearances.
Samantala, ang limang biktima ay naharang naman sa airport terminal bago pa makasakay sa flight papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.
Didiretso naman ang mga ito sa Poland para maging factory workers.
Sa ngayon, hawaka na ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang pito para sa imbestigasyon.
Kukuha ang mga tauhan ng BI ng karagdagang impormasyon para sa kasong isasampa laban sa kanilang mga recruiters.
“These syndicates are mistaken if they thought they could succeed in bringing their victims out of the country while our immigration officers are very busy servicing thousands of passengers who are vacationing here and abroad during the Undas break,” ani BI port operations division chief Grifton Medina said in the release.