CENTRAL MINDANAO- Nawalan ng preno ang isang Wing Van at bumulusok sa gilid ng kalsada at pito ang nasugatan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga biktima na sina Romeo Awat,20 anyos ,Renato Redolfin,45,habal-habal driver,Joseph Sadim,17 at Boyet Sadim,mga sakay ng Habal-Habal na motorsiklo, mga residente ng Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat.

Sugatan naman ang mga sakay ng Wing Van na may kargang kamoteng kahoy na nakilalang sina Jerome Belandez, Philip Nuñez ,31 at Jomark Abonita 25,driver at mga residente ng Bukidnon.

Sa ulat ng pulisya sa bayan ng Bagumbayan na nawalan umano ng preno ang Wing Van at inararo nito ang sinusundan na habal-habal na motorsiklo sa Barangay Titulok Bagumbayan Sultan Kudarat.

Hindi na rin nakontrola ng driver ang manobela ng Wing Van at tumagilid kung saan diritso itong natumba sa gilid ng kalsada.

Ang mga sugatan ay agad dinala sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari.