-- Advertisements --

Nagdulot ng matinding trapiko at aksidente matapos ang mabuhos mula sa isang truck ang nasa mahigit 150,000 na mga kamatis sa isang highway sa California.

Dahil sa insidente ay nagdulot ng karambola ang pitong sasakyan.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang tatlong katao na sakay ng mga bumanggang sasakyan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang truck na may sakay na kamatis at ito ay tumilapon sa kalsada.

Isinara ng ilang oras ang highway at ito ay binuksan matapos matanggal ang mga tumilapon na mga kamatis at natanggal din ang mga sasakyan.