DAVAO CITY – Patay ang isang 26 anyos na lalaki sa naganap na rambolan ng pitong mga sasakyan sa Davao-Bukidnon highway kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Oslan Ombay, may asawa, residente ng Sitio Pamuhatan, Barangay Marilog, Lungsod ng Dabaw.
Batay sa report naganap ang rambolan ng pitong mga sasakyan alas 3:25 kaninang madaling araw sa Sitio Pamuhatan, Barangay Marilog, Marilog District, Davao City, kung saan ito ay kinabinilangan ng isang trailer truck, tatlong multicab, at tatlong motorsiklo.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nawalan ng kontrol ang trailer truck na minamahero ni Eddie Amoy, 52, residente ng Purok Dumanlas, Buangin, Davao city kung saan nabangga nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng napatay na si Ombay.
Pero patuloy parin ang pagtakbo ng truck hanggang mahulong ito sa pavement ng kalsada ug inararo ang iba pang mga sasakyan na nakaparada lamang sa gilid ng highway at ang mga kasalubong pa nito na mga sasakyan.
Dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga, dead on the spot si Ombay, habang malubhang nasugatan naman ang tatlong iba pang mga motorista.
Nag-resulta rin ng malaking damyos sa mga propedad ang naturang pangyayari, habang inihahanda naman ang kaukulang kaso na isasampa sa driver nga trailer truck na may kargang 1,500 na kahon ng mga pinya.